Wednesday, February 19, 2014

Bakit 175,000 lamang ang bilang ng isinagawang Worldwide Walk ng Iglesia Ni Cristo?


Naging maugong ang isinagawang World Wide Walk ng Iglsia Ni Cristo noong Feb. 15, 2014 na naipabalita hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din.

MANILA (Updated) -- Religious group Iglesia ni Cristo (INC) broke the world record for the largest charity walk held in one site, after 175,509 people turned up for the "Worldwide Walk" in the streets of Manila to raise funds for Typhoon Yolanda (Haiyan) victims on Saturday.
Kirsty Bennet, adjudicator from the Guinness Book of World Records, said the 1.6-kilometer walk, which was primarily staged to raise funds for Yolanda survivors, surpassed the record of Singapore's "The New Paper Big Walk," which had 77,500 participants in 2000.
Bennet made the official announcement before 7 p.m. of Saturday. (SunStar)



Two records were set by members of the Iglesia Ni Cristo (INC) in just one weekend when almost 520,000 participated in their “Worldwide Walk for those Affected by Typhoon Yolanda”.
 Guinness World Record adjudicator Kirstie Bennett announced that 519,221 members of the INC joined in the walking event held in   29 countries in 135 sites covering 13 different time zones.
, INC spokesman Bro. Edwil Zabala said the record-setting activity initiated by INC Executive Minister Eduardo Manalo could not have come at a more fitting time.
Despite their twin achievements, the INC official stressed that breaking records was not the primary purpose of their activity.
 “The Worldwide Walk was put up by the INC mainly for the benefit of our brethren, who were affected by super typhoon ‘Yolanda’,” said Zabala.
And with each participant paying P250 registration fee, the walk  would have raised at least P129.8 million. 
The international walking event, held in 85 sites around the country and 50 in other countries, kicked-off in Christchurch, New Zealand and ended in Honolulu, Hawaii.
The record breaks the one previously set in 2007, wherein 231,635 participants walked in 1,011 different locations in Canada.
The new record was set despite five other sites failing to push through with the event due to extreme weather conditions.
On Saturday, INC already broke the record for the largest charity walk done in one site as 175,000   walked from the Cultural Center of the Philippines (CCP) in Pasay City to Rizal Park in Manila.
It broke a previous record held by Singapore, wherein 77,500 participants joined the “The New Paper Big Walk”   in May 2000. (Malaya)


Issue para sa mga INC Detractors ang naging official count ng Guinness sa World Wide Walk na ito na 175,509.

Bakit nga ba 175k lang? iyan na ba ang kabuuang bilang ng mga INC members na nakipagkaisa sa nasabing activity?

Ang sagot ay "hindi" pero bakit? ang paliwanag po ay "DISQUALIFICATION". Marami ang nadisqulify gaya ng mga hindi naka-uniporme, mga nakapayong (bawal ang payong), mga kumakain at umiinom, mga lumabas sa linya, Nasirang wristband, at iba pa. Nadisqualify ang maraming nakipagkaisa at ang totoo nyan ay 20% lamang ang 175k ng kabuuang bilang ng mga nakipagkaisang Kapatid sa Worldwide Walk. Ang nagsagawa ng pagbibilang ay ang SyCip Gorres Velayo & Co. (SGV & Co.)

 Upang mas maintindihan natin narito ang isang litrato:


Yung kulay pulang parte (20%) lamang ang Opisyal na itinala ng SGV at ang kulay asul (80%) naman ay ang mga nadisqulified. Kung kukunin natin ang eksaktong bilang ng mga nadisqualified. Malaki po ang nawalang bilang ng mga nakipagkaisa sa Worldwide walk na nangyari. Hindi parin kasama jan ang mga Kapatid na nagsilbing bantay para sa kaayusan at seguridad sa venue.

Ngunit kahit ganuon ang nangyari, idineklara ng Guinness na "OFFICIALLY AMAZING" ang Iglesia Ni Cristo Worldwide Walk for Typhoon Haiyan - Yolanda Victims.

Sunday, February 16, 2014

pinekeng tula ni Kapatid na Daniel Lapid Sr. na nailathala sa Pasugo, Mayo 1996

Lantaran ang panloloko ng mga CFD o mas kilala sa tawag na CATHOLIC FAITH DEFENDERS sa pangunguna ni Father Abe Arganiosa narito po ang kanilang bersyon:


Sa kanilang bersyon ay nakasulat:


"Nung isilang ang sinugo, nagsimula siyang nag i-isa, na batbat sa pag sasara, si kapatid na Manalo, Pangalan nya'y luwalhatiin at sambahin"



Sa unang tingin ay maniniwala tayo, pero ito po ay isang PANLILINLANG na walang ibang layunin kundi manira lamang.

Bakit po namin nasabi? narito po ng ebidensya:

Ano ba ang aktuwal na nakalagay sa Pasugo na nailathala nuong Mayo 1996? ito po ay photocopy ng nasabing tula PASUGO/MAY1996 P.15



Ang tunay at walang halong pandarayang nakalathala sa Pasugo



"Ang Iglesia Ni Cristo, sa Diyos ay napupuri,

Sa tulong N'yang iginawad sa Sugo N'yang bilang huli,

Siya ang nagpalakas, umalalay at kumandili,

Pangalan N'ya'y luwalhatiin at sambahin na parati"




Sa Aklat ng Exodo may ganitong nasusulat sa 23:1


1 Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling. 



Kanino po ba galing ang Kasinungalingan at sino ang Ama nito?


" Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagkat siya'y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan".  (Juan 8:44)



Monday, September 23, 2013

ukol sa I Corinto 1:25 - Ang kamangmangan at kahinaan ng Diyos, meron ba?

Mayroong mga tagapagtaguyod diumano ng mga salita ng Diyos ang nagtuturo na ang Diyos daw ay may masusumpungang Kamangmangan at kahinaan, totoo nga kaya ito lalaung lalu na sa talatang ginagamit nila na masasaksihan natin sa ibaba:

1 Corinto 1:25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao. (Ang Dating Bibliya 1905)

Ngunit kasangayon po ba ito ng katuruan ng bibliya ukol sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos?
Sa mga nagtataguyod ng ganito ay magkakaroon ng napaka-laking problema sapagkat kabaliktaran ang sinasabi ng Bibliya, tunghayan natin kung papaanong ipinakikilala ng mga banal na kasulatan kung gaano karunong an gating Panginoong Diyos:

Kawikaan 3:19 Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.

Ang mga baga-bagay sa mundo ay hindi nalamang basta itinapon nang ito ay lalangin, ang balanse at pagkakasunod-sunod nito ay nangangailangan ng mataas na uri ng karunungan na humihigit sa katalinuhan ng sangkatauhan. At ni isa sa kasaysayan ang naka-pantay sa katalinuhang ito.
Kaya bang tapatan ng tao lamang ang katalinuhan ng Diyos?

Job 9:4 Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan,sinong lumaban na sa kanya at nagtagumpay?(BMBB)

Isang malinaw na sagot po ay “hindi” at kahit na ang pinakadakilang tao sa kasaysayan ay hindi maihahalintulad sa karunungan ng Diyos. Eh baka naman daw sa kapangyarihan eh may mkakapantay na sa kanya, tunghayan natin ang nkasulat:

Job 36:22 "Alalahanin mong ang Diyos ay makapangyarihan,pinakadakilang guro sa lahat ng bagay.(BMBB)

Isaias 37:16 "O Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng Israel, lumikha ng langit at lupa. (BMBB)

Samakatuwid, ginamit lang naman ng Diyos ang kanyang karunungan at kapangyarihan sa paglikha ng langit at lupa.
Balikan natin ang talatang nagsasabing may kamangmangan daw at kahinaan ang Diyos

1 Corinto 1:25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao. (Ang Dating Bibliya 1905)

Ibaba po natin sa mga talatang 27 hanggang 28 pa at magiging malinaw na sa atin ang ibigsabihin ng talatang 25 gamit ang parehong salin ng bibliya.

27 Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;

28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga

Ang terminong “kundi” sa talatang 27 ay isang pangatnig na nagpagpapahayag ng paghahambing, paghahambing sa katalinuhan ng tao at ng katalinuhan ng Diyos.

Sa talatang 25 naman ay patungkol sa pagaakala ng mga matatalinong hindi mananampalataya na ang karunungan ng Diyos ay wala namang halaga. Kung kaya ang pinili o tinawag ng Diyos ay yung mga taong hindi naman mataas ang pinagaralan, mga ordinaryong tao at mga mahihina pa (ICor.1:26). sa kagustuhan ding hiyain Niya ang mga marurunong (ICor.1:27)

Ganito ang pagkakasalin ng isang salin ng Bibliya sa I Cor. 1:25


“Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.” (BMBB)

Wednesday, September 18, 2013

Kanan ng Diyos

ang Kahulugan ng salitang "Kanan ng Diyos"

Ang Kanan ng Diyos ay hindi literal na ang Diyos ay may mga kamay, ito ay isang Isang figure of speech na may kahulugang ultimate power at authority ng Diyos na kung saan naman ang exalted na Cristo ay nakaupo ngayon.

Tumutukoy ito sa kanyang kapangyarihan:
" Ikaw ay may makapangyarihang bisig: malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay." (Psalms 89:13)

Bilang pagkalinga:
"Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos."(Psalms 16:8)

"Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan."(Psalms 63:)

"Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin."(Psalms 139:10)

"13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka. " (Isa. 41:13)

bilang presensya ng Diyos:
" Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan " (Ps.16:8)

bilang kapangyarihan ng Diyos na magligtas:
"Upang ang iyong minamahal ay makaligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. " (Ps. 60:5)

" Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. "(Ps. 108:6)

" Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob, Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo. Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan. " (Ps.17:7)

bilang tagumpay:

" Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan. " (Ps.18:35)

" Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila. " (Ps.44:3)

" Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran." (Ps.41:10)

"Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway." (Exo. 15:6)

simbolo ng kahanga-hangang gawa ng Diyos:

"At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran: at ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng kakilakilabot na mga bagay. " (Ps.45:4)

" At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan. " (Ps. 77:10)

"15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang."

"16 Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. " (Ps.118:15-16)

"Oo, ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama." (Isa.48:13)

bilang hatol ng Diyos:

"4 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban, at pinatay ang lahat na maligaya sa mata: sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy. " (Panaghoy 2:4)


"16 Ikaw ay puno ng kahihiyan, at hindi ng kaluwalhatian: uminom ka naman, at maging gaya ng isang hindi tuli; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo, at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian." (Hab. 2:16)

Thursday, June 13, 2013

Iisang Panginoon

Ang Apostol Pablo ay kinikilala ang IISANG Panginoong Jesu-Cristo (I Cor. 8:6)  sapagkat ang Diyos mismo ang GUMAWA sa kanya bilang PANGINOON AT CRISTO (Gawa 2:36) ang pagiging Panginoon ni Cristo ay HINDI LIKAS at walang IBANG TAONG PINAGBIGYAN NG TITULONG ITO kaya nga sya ay IISANG PANGINOONG.

1 Corinto 8:6
6 subalit para sa atin ay IISA LAMANG ANG DIYOS, ANG AMA, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. IISA ANG PANGINOON, SI JESU-CRISTO, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.

Mga Gawa 2:36
36 "Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang GINAWA NG DIYOS na Panginoon at Cristo!"

Samantala, sa Marcos 12:29. Kinikilala ng Panginoong Jesu-Cristo ang Iisang Panginoong-Diyos. Ang pagiging PANGINOONG ng Diyos AY LIKAS SA KANIYA.

29 Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos: 'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon nating Diyos ang tanging Panginoon.

Naninidigan kami sa pagkilala sa IISANG PANGINOONG-DIYOS AT IISANG PANGINOONG JESU-CRISTO. Sangayon narin sa katuruan ni Cristo sa Mateo 22:44
Na sinasabing

41           Tinanong naman ni Jesus ang mga Pariseong nagkakatipon doon. 42        "Ano ang pagkaalam ninyo tungkol sa Cristo? Kanino siyang anak?"
               "Kay David po," sagot nila.
               43            Sabi ni Jesus, "Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na 'Panginoon' nang nasa kanya ang Espiritu? Ganito ang kanyang sinabi,
44           ‘SINABI NG PANGINOON SA AKING PANGINOON:
Maupo ka sa kanan ko,
hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.'
45           Ngayon, kung si David ay tumawag sa kanya ng 'Panginoon,' paanong masasabing anak ni David ang Cristo?"

KUNGA KAYA, ang Panginoong nagsalitang “maupo ka sa kanan ko ay ang Panginoong Diyos”
At ang Panginoong kausap nya ay ang Panginoong Jesu-Cristo


Sunday, May 19, 2013

Patayong Panalangin, Masama ba?

Mayroong mga pumupuna ukol sa patayong panalangin ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo at kanila ring sinasabi na mali at masama dahil paimbabaw daw ito umano.


Mateo 6:5
 (SND)
5 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Tapos ay susundan ng talatang ito

Salmo 95:6
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

Diumano yan ang wastong posisyon na nararapat sa pananalangin, ngunit sa talatang Mate 6:5 mapupuna natin na hindi naman ipinagbawal ng ating Panginoong HesusKristo ang posisyon ng patayong panalangin kundi ang motibo ng kanilang panalangin na "mapagpaimbabaw".

Ang totoo nyan, tumayo, umupo at lumuhod ka man ay diringgin ng Panginoong Diyos ang panalangin ng taong hindi mapagpaimbabaw. May tala ang Banal na kasulatan na ganito ang mababasa:

Lucas 18
 10 May dalawang lalaking nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y maniningil ng buwis. 11 Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito. 12 Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan. 13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na NAKATAYO SA MALAYO, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.     14 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.

Ang Fariseo ay nagmataas sa mga mabuting ginawa nya samantalang ang isa naman ay umaming makasalanan at sa talata ay sinabi pa na dinadagukan ang kanyang dibdib.
Sa pagpapatuloy, hindi rin sinabi ng Panginoong HesusKristo na mali at masama ang manalangin ng nakatayo.

Marcos 11
25At kailan man kayo'y NANGAKATAYONG NAGSISIPANALANGIN, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.

Narito pa ang ilang tala sa bibliya:

1 Samuel 1
 26 Sinabi ni Ana, "Kung natatandaan ninyo, ako po ang babaing nakita ninyong NAKATAYO rito noon at nanalangin kay Yahweh.

Kaya mali ang tuligsa ng ilan sa istilo ng pananalangin ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo habang nakatayo sapagkat maaari kang manalangin ng nakaluhod, nakaupo at nakatayo.

Monday, May 6, 2013

Ang Paggalang sa Magulang

Ang Paggalang sa Magulang

Dapat lamang na tayong mga Anak ay tumanaw ng utang na loob sa ating mga magulang na nagbigay sa atin ng buhay. Bagamat hindi lahat ng mga anak ay nabigyan ng maginhawang buhay, nararapat lamang na mahalin natin sila, lalung lalu na yaong mga napagkalooban ng maginhawang pamumuhay. Mayroon bang utos ang Diyos ukol rito?

Efeso 6:1-3

     Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, a sapagkat ito ang nararapat. 2    "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong 3    "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa."

Sadyang napakahalaga ang uto sa paggalang sa ating mga magulang sa kadahilanang ito ang unang utos na may kalakip na pangako. At bukod sa pangakong ito, mayroon pang mabuting ibubunga sa atin kapag iginalang natin sila.

Ecclesiastes 3:3-4

3    Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,
4    at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.

Binanggit sa talata na ang paggalang sa magulang bukod sa pangakong nauna ay nagbubunga rin ng ikapagbabayad o ikapagpapatawad ng ating kasalanan at tayo ay parang nag-iimpok ng kayamanan. Kaya ngat marapat lamang na tayoy magbigay-galang sa kinasangkapan ng ating Panginoong Diyos.

Kung mayroong utos ang Diyos kung papaano natin dapat ituring ang ating mga magulang, mayroon ding banggit ang Bibliya kung papaano nating huwag dapat na gawin sa ating mga magulang. Tulad ng narito.

Kawikaan 30:11

11    May mga taong naninira sa kanilang ama, masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.


Ayaw ng Diyos na nilalapastangan ng mga Anak ang kanilang mga magulang. Kaya ngat mayroon pang banggit sa bibliya ng ganito:

Lev 20:9

    9    "Ang sinumang magmura sa kanyang ama at ina ay dapat patayin. Mananagot ang sinumang lumait sa kanyang ama at ina.

Maliwanag ang pasya ng Diyos ay kamatayan sa mga lapastangan sa kanilang magulang. Gayun din naman ang mapanglait sa kanila.

Mat 15:4

 4    Sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at ina' at, 'Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.'

Maliwanag lamang na ang mga taong magalang sa kanilang magulang ay magtatamo ng buhay kabaligtaran ng mga anak na lapastangan sa kanila.

Kung nararapat lamang na igalang at mahalin natin ang ating mga magulang bilang utos ng Diyos, Huwag din naman nating malimutan ang ating Pag-ibig sa ating Tagapaglikha.

Mateo 10
 
37    "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.

Ating pakatandaan na ang lahat ng higit o sobra ay nakakasama sapagkat sa bandang huli ang Diyos parin ang ating huling takbuhan.

Awit 27
10    Itakwil man ako ng aking ama at ina,
si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.





Ano pa ba ang bilin ng Diyos sa ating mga Anak na nagnanais magtagumpay?

Kawikaan 23:22-25

22    Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na. 23    Hanapin mo ang katotohanan, karunungan at unawa. Pahalagahan mo ang mga ito at huwag pababayaang mawala. 24    Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino. 25    Sikapin mong ikaw ay maging karapat- dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.
  Exodo 20:12

12    "Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kawikaan 1:8

8    Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama,
at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

9    sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo,
parang kuwintas na may dalang karangalan.

Ano naman ang Banta ng ating Panginoong Diyos sa mga suwail at tampalasang Anak?

Deutronomio 27:16

 16    "'Sumpain ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.'


"Sasagot ang sambayanan: 'Amen.'