Sunday, May 5, 2013

Ang Habag ng Diyos sa mga Tao na nagkasala

Mayroong Relihiyon na nagtataguyod ng Doktrinang kapagka natiwalag sa kanilang samahan ang isa nilang kaanib dahil sa mga paglabag at pagkakasala ay hindi na nila pinapayagang muli pang makabalik ang mga ito sa kanilang relihiyon bilang kapatawaran. At ang tinutukoy ko po ay ang samahang Ang Dating Daan.



Sila po ay gumagamit rin ng talata ng Bibliya ukol dito tulad ng narito:


Hebreo 6:4-6


4 sapagkat paano pang magsisisi at manunubalik ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Datiy naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumatanggap ng Espiritu Santo. 5 Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. 6 Kapag sila'y tumalikod pagkatapos ang lahat, hindi na sila maaari pang maakay sa pagsisisi at mapanumbalik sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihyan ang Anak ng Diyos.


Kung ating susuriin ang talata, ni hindi manlang nabanggit kung ano ang kahihinatnan ng mga "itiniwalag" sapagkat ang binabanggit sa talata ay yaong mga "tumalikod" lamang.


Aming ipagpapauna na ang "pagtalikod" ay iba sa "pagtitiwalag"

Sino ba ang itinitiwalag?




1Corinto5:12-13


 Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, "Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao."


Ang pagtitiwalag ay ang pag-aalis ng mga kaanib na nakagawa ng mga kasalanan o ng mga labag sa utos.


Papaano naman yaong mga taong nakahandang magsisi dahil sa mga kasalanan?


Mateo 12:31

Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Lahat ng uri ng kasalanan at pamumusong ay ipatatawad sa mga tao. Ngunit ang pamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi ipatatawad sa mga tao.(ASD)



 Ano naman ang Katumbas ng Pagtalikod?

Ecclesiastico 10:
12Ang kapalaluan ng tao ay nagsisimula sa pagtalikod sa Panginoon,
at sa paghihimagsik laban sa lumikha sa kanya.
13 Sapagkat ang simula ng kapalaluan ay kasalanan,

ang nananatiling palalo ay nakakagawa ng maraming kasamaan,
kaya't katakut-takot na parusa ang ipadadala sa kanila ng Panginoon,
hanggang sa sila'y tuluyang malipol.



Sino ang dapat patawarin?

Joel 2:13

Magsisi kayo nang taos sa puso,

at hindi pakitang-tao lamang.”

Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos!

Siya'y mahabagin at mapagmahal,

hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;

laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa

nagsisisi.

Ang taong nagsisisi ng taos sa puso at nagbabalik-loob ay mayroong kapatawaran.




Ano ang paanyaya ng Diyos para sa mga taong nakagawa ng pagkakasala.

Isaias 1:18

 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan,

sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan

ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang

niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na

pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong

tupa, 19Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin,

kayo'y magsisikain ng buti ng lupain: 20Nguni't kung

kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin

ng tabak: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.




At narito ang Matuwid na Tuntunin ng Diyos

Ezekiel 18: 22 - 23

22 Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang


kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang



ginawa niya sa bandang huli.



23 Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan


ng masama,"

sabi pa ni Yahweh. "Ang ibig ko nga,


siya'y magsisi at

magbagong-buhay.





Ang Diyos ng Iglesia Ni Cristo ay Matuwid,

 hindi katulad

  ng Bulaang Propeta na nagpapakilalang


sya ay Diyos

din!

1 comment:

  1. Pinilipit naman ng mga ADD ang talata, hindi naman yan tungkol sa pagbabalikloob, hindi dyan binawalan ang pagbabalikloob ng tao, papaanong pagbabawalan ng Dios ang mga tao eh pinagbabalikloob nga Niya sa Kanya, tulad ng sinabi Niya sa pagkakatala sa Ezekiel 33:11 basahin natin:
    " Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?"

    May hangganan ba ang pagpapatawad ng Dios? Ano ba ang payo ng biblia? Tama ba ang ADD na wag patawarin ang nagkamali at hindi pagbalik-loobin? Tunghayan natin...

    "Mangagingat kayo sa inyong sarili: kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.
    At kung siya'y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya." (Lucas 17:3-4)


    Katunayang hindi sila sa Dios dahil makikita sa kanilang mga gawa. ano yon? Yung hindi nila pagbibigay ng patawad sa mga nagkamali, mas matindi pa sila sa Dios, kasi ang Dios ay nagpapatawad pero sila hindi? Katibayan na ang Dios ay nagpapatawad heto basahin natin.... Ipinahahayag sa Efeso 4:32, “At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga mahabagin, na mamangagpatawaran kayo sa isa’t isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.” Ganoon din sa sinabi ng Taga Colosas 3:13, “Mangagtiisan kayo sa isa’t isa, at mangaagpatawaran kayo sa isa’t isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin.”

    Bakit ipinayo na patawarin ang nakagawa ng pagkakamali? Basahin natin kung ano ang sinasabi ng biblia:

    " Mat 6:15 Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan."

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.