Sunday, May 19, 2013

Patayong Panalangin, Masama ba?

Mayroong mga pumupuna ukol sa patayong panalangin ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo at kanila ring sinasabi na mali at masama dahil paimbabaw daw ito umano.


Mateo 6:5
 (SND)
5 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Tapos ay susundan ng talatang ito

Salmo 95:6
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

Diumano yan ang wastong posisyon na nararapat sa pananalangin, ngunit sa talatang Mate 6:5 mapupuna natin na hindi naman ipinagbawal ng ating Panginoong HesusKristo ang posisyon ng patayong panalangin kundi ang motibo ng kanilang panalangin na "mapagpaimbabaw".

Ang totoo nyan, tumayo, umupo at lumuhod ka man ay diringgin ng Panginoong Diyos ang panalangin ng taong hindi mapagpaimbabaw. May tala ang Banal na kasulatan na ganito ang mababasa:

Lucas 18
 10 May dalawang lalaking nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y maniningil ng buwis. 11 Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito. 12 Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan. 13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na NAKATAYO SA MALAYO, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.     14 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.

Ang Fariseo ay nagmataas sa mga mabuting ginawa nya samantalang ang isa naman ay umaming makasalanan at sa talata ay sinabi pa na dinadagukan ang kanyang dibdib.
Sa pagpapatuloy, hindi rin sinabi ng Panginoong HesusKristo na mali at masama ang manalangin ng nakatayo.

Marcos 11
25At kailan man kayo'y NANGAKATAYONG NAGSISIPANALANGIN, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.

Narito pa ang ilang tala sa bibliya:

1 Samuel 1
 26 Sinabi ni Ana, "Kung natatandaan ninyo, ako po ang babaing nakita ninyong NAKATAYO rito noon at nanalangin kay Yahweh.

Kaya mali ang tuligsa ng ilan sa istilo ng pananalangin ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo habang nakatayo sapagkat maaari kang manalangin ng nakaluhod, nakaupo at nakatayo.

Monday, May 6, 2013

Ang Paggalang sa Magulang

Ang Paggalang sa Magulang

Dapat lamang na tayong mga Anak ay tumanaw ng utang na loob sa ating mga magulang na nagbigay sa atin ng buhay. Bagamat hindi lahat ng mga anak ay nabigyan ng maginhawang buhay, nararapat lamang na mahalin natin sila, lalung lalu na yaong mga napagkalooban ng maginhawang pamumuhay. Mayroon bang utos ang Diyos ukol rito?

Efeso 6:1-3

     Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, a sapagkat ito ang nararapat. 2    "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong 3    "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa."

Sadyang napakahalaga ang uto sa paggalang sa ating mga magulang sa kadahilanang ito ang unang utos na may kalakip na pangako. At bukod sa pangakong ito, mayroon pang mabuting ibubunga sa atin kapag iginalang natin sila.

Ecclesiastes 3:3-4

3    Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,
4    at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.

Binanggit sa talata na ang paggalang sa magulang bukod sa pangakong nauna ay nagbubunga rin ng ikapagbabayad o ikapagpapatawad ng ating kasalanan at tayo ay parang nag-iimpok ng kayamanan. Kaya ngat marapat lamang na tayoy magbigay-galang sa kinasangkapan ng ating Panginoong Diyos.

Kung mayroong utos ang Diyos kung papaano natin dapat ituring ang ating mga magulang, mayroon ding banggit ang Bibliya kung papaano nating huwag dapat na gawin sa ating mga magulang. Tulad ng narito.

Kawikaan 30:11

11    May mga taong naninira sa kanilang ama, masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.


Ayaw ng Diyos na nilalapastangan ng mga Anak ang kanilang mga magulang. Kaya ngat mayroon pang banggit sa bibliya ng ganito:

Lev 20:9

    9    "Ang sinumang magmura sa kanyang ama at ina ay dapat patayin. Mananagot ang sinumang lumait sa kanyang ama at ina.

Maliwanag ang pasya ng Diyos ay kamatayan sa mga lapastangan sa kanilang magulang. Gayun din naman ang mapanglait sa kanila.

Mat 15:4

 4    Sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at ina' at, 'Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.'

Maliwanag lamang na ang mga taong magalang sa kanilang magulang ay magtatamo ng buhay kabaligtaran ng mga anak na lapastangan sa kanila.

Kung nararapat lamang na igalang at mahalin natin ang ating mga magulang bilang utos ng Diyos, Huwag din naman nating malimutan ang ating Pag-ibig sa ating Tagapaglikha.

Mateo 10
 
37    "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.

Ating pakatandaan na ang lahat ng higit o sobra ay nakakasama sapagkat sa bandang huli ang Diyos parin ang ating huling takbuhan.

Awit 27
10    Itakwil man ako ng aking ama at ina,
si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.





Ano pa ba ang bilin ng Diyos sa ating mga Anak na nagnanais magtagumpay?

Kawikaan 23:22-25

22    Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na. 23    Hanapin mo ang katotohanan, karunungan at unawa. Pahalagahan mo ang mga ito at huwag pababayaang mawala. 24    Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino. 25    Sikapin mong ikaw ay maging karapat- dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.
  Exodo 20:12

12    "Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kawikaan 1:8

8    Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama,
at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

9    sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo,
parang kuwintas na may dalang karangalan.

Ano naman ang Banta ng ating Panginoong Diyos sa mga suwail at tampalasang Anak?

Deutronomio 27:16

 16    "'Sumpain ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.'


"Sasagot ang sambayanan: 'Amen.'

Sunday, May 5, 2013

Ang Habag ng Diyos sa mga Tao na nagkasala

Mayroong Relihiyon na nagtataguyod ng Doktrinang kapagka natiwalag sa kanilang samahan ang isa nilang kaanib dahil sa mga paglabag at pagkakasala ay hindi na nila pinapayagang muli pang makabalik ang mga ito sa kanilang relihiyon bilang kapatawaran. At ang tinutukoy ko po ay ang samahang Ang Dating Daan.



Sila po ay gumagamit rin ng talata ng Bibliya ukol dito tulad ng narito:


Hebreo 6:4-6


4 sapagkat paano pang magsisisi at manunubalik ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Datiy naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumatanggap ng Espiritu Santo. 5 Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. 6 Kapag sila'y tumalikod pagkatapos ang lahat, hindi na sila maaari pang maakay sa pagsisisi at mapanumbalik sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihyan ang Anak ng Diyos.


Kung ating susuriin ang talata, ni hindi manlang nabanggit kung ano ang kahihinatnan ng mga "itiniwalag" sapagkat ang binabanggit sa talata ay yaong mga "tumalikod" lamang.


Aming ipagpapauna na ang "pagtalikod" ay iba sa "pagtitiwalag"

Sino ba ang itinitiwalag?




1Corinto5:12-13


 Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, "Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao."


Ang pagtitiwalag ay ang pag-aalis ng mga kaanib na nakagawa ng mga kasalanan o ng mga labag sa utos.


Papaano naman yaong mga taong nakahandang magsisi dahil sa mga kasalanan?


Mateo 12:31

Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Lahat ng uri ng kasalanan at pamumusong ay ipatatawad sa mga tao. Ngunit ang pamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi ipatatawad sa mga tao.(ASD)



 Ano naman ang Katumbas ng Pagtalikod?

Ecclesiastico 10:
12Ang kapalaluan ng tao ay nagsisimula sa pagtalikod sa Panginoon,
at sa paghihimagsik laban sa lumikha sa kanya.
13 Sapagkat ang simula ng kapalaluan ay kasalanan,

ang nananatiling palalo ay nakakagawa ng maraming kasamaan,
kaya't katakut-takot na parusa ang ipadadala sa kanila ng Panginoon,
hanggang sa sila'y tuluyang malipol.



Sino ang dapat patawarin?

Joel 2:13

Magsisi kayo nang taos sa puso,

at hindi pakitang-tao lamang.”

Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos!

Siya'y mahabagin at mapagmahal,

hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;

laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa

nagsisisi.

Ang taong nagsisisi ng taos sa puso at nagbabalik-loob ay mayroong kapatawaran.




Ano ang paanyaya ng Diyos para sa mga taong nakagawa ng pagkakasala.

Isaias 1:18

 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan,

sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan

ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang

niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na

pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong

tupa, 19Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin,

kayo'y magsisikain ng buti ng lupain: 20Nguni't kung

kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin

ng tabak: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.




At narito ang Matuwid na Tuntunin ng Diyos

Ezekiel 18: 22 - 23

22 Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang


kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang



ginawa niya sa bandang huli.



23 Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan


ng masama,"

sabi pa ni Yahweh. "Ang ibig ko nga,


siya'y magsisi at

magbagong-buhay.





Ang Diyos ng Iglesia Ni Cristo ay Matuwid,

 hindi katulad

  ng Bulaang Propeta na nagpapakilalang


sya ay Diyos

din!