Monday, May 6, 2013

Ang Paggalang sa Magulang

Ang Paggalang sa Magulang

Dapat lamang na tayong mga Anak ay tumanaw ng utang na loob sa ating mga magulang na nagbigay sa atin ng buhay. Bagamat hindi lahat ng mga anak ay nabigyan ng maginhawang buhay, nararapat lamang na mahalin natin sila, lalung lalu na yaong mga napagkalooban ng maginhawang pamumuhay. Mayroon bang utos ang Diyos ukol rito?

Efeso 6:1-3

     Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, a sapagkat ito ang nararapat. 2    "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong 3    "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa."

Sadyang napakahalaga ang uto sa paggalang sa ating mga magulang sa kadahilanang ito ang unang utos na may kalakip na pangako. At bukod sa pangakong ito, mayroon pang mabuting ibubunga sa atin kapag iginalang natin sila.

Ecclesiastes 3:3-4

3    Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,
4    at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.

Binanggit sa talata na ang paggalang sa magulang bukod sa pangakong nauna ay nagbubunga rin ng ikapagbabayad o ikapagpapatawad ng ating kasalanan at tayo ay parang nag-iimpok ng kayamanan. Kaya ngat marapat lamang na tayoy magbigay-galang sa kinasangkapan ng ating Panginoong Diyos.

Kung mayroong utos ang Diyos kung papaano natin dapat ituring ang ating mga magulang, mayroon ding banggit ang Bibliya kung papaano nating huwag dapat na gawin sa ating mga magulang. Tulad ng narito.

Kawikaan 30:11

11    May mga taong naninira sa kanilang ama, masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.


Ayaw ng Diyos na nilalapastangan ng mga Anak ang kanilang mga magulang. Kaya ngat mayroon pang banggit sa bibliya ng ganito:

Lev 20:9

    9    "Ang sinumang magmura sa kanyang ama at ina ay dapat patayin. Mananagot ang sinumang lumait sa kanyang ama at ina.

Maliwanag ang pasya ng Diyos ay kamatayan sa mga lapastangan sa kanilang magulang. Gayun din naman ang mapanglait sa kanila.

Mat 15:4

 4    Sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at ina' at, 'Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.'

Maliwanag lamang na ang mga taong magalang sa kanilang magulang ay magtatamo ng buhay kabaligtaran ng mga anak na lapastangan sa kanila.

Kung nararapat lamang na igalang at mahalin natin ang ating mga magulang bilang utos ng Diyos, Huwag din naman nating malimutan ang ating Pag-ibig sa ating Tagapaglikha.

Mateo 10
 
37    "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.

Ating pakatandaan na ang lahat ng higit o sobra ay nakakasama sapagkat sa bandang huli ang Diyos parin ang ating huling takbuhan.

Awit 27
10    Itakwil man ako ng aking ama at ina,
si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.





Ano pa ba ang bilin ng Diyos sa ating mga Anak na nagnanais magtagumpay?

Kawikaan 23:22-25

22    Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na. 23    Hanapin mo ang katotohanan, karunungan at unawa. Pahalagahan mo ang mga ito at huwag pababayaang mawala. 24    Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino. 25    Sikapin mong ikaw ay maging karapat- dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.
  Exodo 20:12

12    "Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kawikaan 1:8

8    Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama,
at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

9    sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo,
parang kuwintas na may dalang karangalan.

Ano naman ang Banta ng ating Panginoong Diyos sa mga suwail at tampalasang Anak?

Deutronomio 27:16

 16    "'Sumpain ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.'


"Sasagot ang sambayanan: 'Amen.'

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.