Ang Apostol Pablo ay kinikilala ang IISANG Panginoong
Jesu-Cristo (I Cor. 8:6) sapagkat ang
Diyos mismo ang GUMAWA sa kanya bilang PANGINOON AT CRISTO (Gawa 2:36) ang
pagiging Panginoon ni Cristo ay HINDI LIKAS at walang IBANG TAONG PINAGBIGYAN
NG TITULONG ITO kaya nga sya ay IISANG PANGINOONG.
1 Corinto
8:6
6 subalit
para sa atin ay IISA LAMANG ANG DIYOS, ANG AMA, ang Ama na lumikha ng lahat ng
bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. IISA ANG PANGINOON, SI JESU-CRISTO,
at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din
niya'y nabubuhay tayo.
Mga Gawa
2:36
36 "Kaya't
dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay
siyang GINAWA NG DIYOS na Panginoon at Cristo!"
Samantala,
sa Marcos 12:29. Kinikilala ng Panginoong Jesu-Cristo ang Iisang
Panginoong-Diyos. Ang pagiging PANGINOONG ng Diyos AY LIKAS SA KANIYA.
29 Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos:
'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon nating Diyos ang tanging Panginoon.
Naninidigan kami sa pagkilala sa IISANG PANGINOONG-DIYOS AT
IISANG PANGINOONG JESU-CRISTO. Sangayon narin sa katuruan ni Cristo sa Mateo
22:44
Na sinasabing
41 Tinanong
naman ni Jesus ang mga Pariseong nagkakatipon doon. 42 "Ano ang pagkaalam ninyo tungkol sa Cristo? Kanino
siyang anak?"
"Kay David po," sagot nila.
43 Sabi ni Jesus, "Kung gayon,
bakit siya tinawag ni David na 'Panginoon' nang nasa kanya ang Espiritu? Ganito
ang kanyang sinabi,
44 ‘SINABI NG
PANGINOON SA AKING PANGINOON:
Maupo ka sa kanan ko,
hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.'
45 Ngayon,
kung si David ay tumawag sa kanya ng 'Panginoon,' paanong masasabing anak ni
David ang Cristo?"
KUNGA KAYA, ang Panginoong nagsalitang “maupo ka sa kanan ko
ay ang Panginoong Diyos”
At ang Panginoong kausap nya ay ang Panginoong Jesu-Cristo